Nagsalita na si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo nitong Sabado, Enero 29, sa pangunguwestiyon umano ng kanyang mga kritiko sa naunang pahayag na siya at ang kanyang team ay nasa Marawi noong 2016 bago pa ang siege noong Mayo 2017.

screengrab: FB/Leni Gerona Robredo

“Daming ingay. Bakit daw sabi ko 2016 palang nasa Marawi na kami. Naunahan pa daw namin ‘yung siege," aniya sa kanyang Facebook post. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Talagang naunahan namin," pagbibigay diin ni Robredo.

Pumutok ang isyu na ito dahil pinagtatawanan umano ng kanyang mga bashers ang naging pahayag niya sa "The 2022 Presidential Interview with Boy Abunda" na umere noong nakaraang Miyerkules na kung saan sinabi nitong nagtatrabaho na siya sa Marawi mula pa noong 2016.

Paliwanag ni Robredo, nagsimula noong 2016 ang leg work para sa paglulunsad ng Angat Buhay project-- ilang buwan nang maging bise presidente.

"Lanao del Sur was the poorest province at that time. 2016 palang, we already decided to adopt Marawi as one of our Angat Buhay priority areas. We decided to take it even further by launching Angat Buhay in Lanao del Sur to include 16 other towns. Yung leg work to make this happen started in 2016," aniya.

Matapos i-adopt ang Marawi bilang isa sa mga priority areas ng Angat Buhay, pormal nila itong inilunsad noong Marso 21, 2017. Bago pa maganap ang siege noong Mayo 23, 2017.

"We formally launched it in Marawi on March 21, 2017. Yes po. Even before the siege broke out on May 23, 2017. A few days after that, we already sent a permanent team there to do relief operations. Partner namin Xavier University," dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Robredo na ilang beses din siya pumunta sa Marawi habang may siege upang asikasuhin umano ang mga nasa evacuation centers.

"Ilang beses ako pumunta while the siege was ongoing para asikasuhin mga nasa evacuation centers," ani bise presidente.

Samantala, ang Angat Buhay Village sa Barangay Sagongsongan ay itinayo matapos ang naturang siege. Itinurn-over ang mga transitory house sa mga benepisaryo noong 2018 at ginawaran ng housing units ang mga naapektuhan na pamilya sa Marawi noong 2019.

Naging daan umano ang Angat Buhay project para sa mga livelihood programs, pagtatayo ng mga silid-aralan at iba pang mga proyekto.

Masaya umano si Robredo dahil sa magagandang nangyari sa probinsya.

"Today, I am happy to note that a lot of good things are already happening in the province. Hindi na po siya poorest ngayon. Marami pa din kaming ongoing partnerships doon until now," ayon sa presidential aspirant.

Tinanggal ang Lanao del Sur mula sa listahan ng mahihirap na probinsya at kabilang na ito sa "least poor category" ng 2021 Philippine Statistics Data.