Suspendido muli ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ngayong Linggo, Enero 30, 2022.

Sa paabiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, nabatid na layunin nitong bigyang-daan ang completion o pagtatapos ng isinasagawa nilang upgrade sa signalling system ng tren.

Inaasahan namang magbabalik ang normal na operasyon ng LRT-1 sa Lunes, Enero 31, 2022.

“LRT-1 operations will be temporarily suspended this Sunday, January 30, 2022, to give way to the completion of the upgrade of its signalling system,” anunsyo ng LRMC.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Normal operations of LRT-1 will resume on January 31, 2022, Monday. Ingat po sa biyahe,” anito pa.

Ang LRT-1 ay bumabagtas mula Roosevelt, Quezon City hanggang sa Baclaran, Parañaque City.

Mary Ann Santiago