Bumaba pa sa 0.50 ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) reproduction number sa Metro Manila, ayon sa pahayag ng OCTA Research Group nitong Sabado, Enero 29.
Sa kanyang tweet, binanggit ni OCTA fellow Dr. Guido David na bumaba ang naiuulat na kaso araw-araw, gayunman, sinusubaybayan pa rin nila ang mas mababa pa nito katulad ng kanilang pagtaya noong Enero 20.
“While the decrease in new cases in the NCR [National Capital Region] has slowed down, as can be observed by the nearly flat trend of the past four days, the reproduction number decreased to 0.50 while the one-week growth rate was -69 percent,” paglalahad ni David.
Naitala rin ng naturang independent research group angseven-day positivity rate na 21 porsyento na mababa kumpara sa nakalipas na linggo.
Inaasahan din ni David na mailagay sa 'moderate risk ang Metro Manila ngayong Sabado batay na rin sa ginagamit nilanginternationally-developed COVID Act Now indicators.
“A low-risk classification will depend on how quickly cases decrease below 1,000 per day,” pahayag nito.
Nanawagan din ito sa publiko na sumunod pa rin sa health protocol upang bumaba pa nang husto ang kaso ng hawaan ng sakit sa bansa.
Ellalyn De Vera-Ruiz