BAGUIO CITY – Sa kabila ng patuloy ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) dulot ng pagsipa ng Omicront variant, ay mas mataas na bilang naman ng recoveries ang naitatala sa siyudad ng Baguio.

Sa nakalipas na sampung araw, unang naitala ang mataas na 654 recoveries na halos doble mula sa 251 cases na naitala noong Linggo, Enero 23 at kinabukasan, Enero 24, ay muling umangat sa 690 recoveries mula sa kaso na 384.

Sinundan ito noong Enero 27, 567; Enero 26, 470; Enero 25, 511; Enero 22, 460; Enero 21, 496; Enero 20, 521; 326 noong Enero 19 at 525 recoveries noong Enero 28.

Dulot ng pagsipa ng Omicron,mula Enero 1 hanggang 28, naitala sa siyudad ang 9,279 bagong kaso ng COVID-19 at dahil ang mga tinamaan ay mild symptoms lamang, ay mabilis na umangat ang recoveries na 6,478 at bumaba sa 2,801 ang active cases.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dahil sa mataas na recoveries, kaysa sa naitatalang kaso sa mga nakalipas na araw, ang occupancy rate mula sa mga city's Isolation facilities na kinalalagyan ng mga COVID-19 patients ay mabilis na bumaba sa 59.85 percent mula noong umaga ng Huwebes, Enero 27.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, bagama’t mabilis manghawa ang Omicron variant ay mabilis din at mataas ang recovery, dahil mild symptoms o’ asymptomatic lamang ang tumatama sa taong fully vaccinated na at bukod dito ay less hospitalization pa.

"Vaccines did not promise to make us COVID-free, only to help prevent severe infections, hospitalizations and deaths. Kaya patuloy ang pagkumbinsi namin sa tao na magpa-bakuna, dahil ito ay isang mainam na paraan para maiwasan na ma-ospital, kaya karamihan ay pinapayagang mag-home quarantine na lamang, maliban sa severe cases na sa hospital gagamutin.

“There is less hospitalization and less demand for oxygen and critical medicines than during the delta variant time.Nakita natin na karamihan na namamatay at nasa critical na kalagayan ay mga hindi pa bakunado.”

Iniulat din ni Magalong na natamo na ng siyudad angself-imposed target makaraang mabakunahan na ang 96.37 porsiyento ng kabuuang eligible adult population noong Enero 27.

Sa datos noong Enero 27, may kabuuang 270,809 ang fully vaccinated adults na mula sa target na 281,000 (96.37% accomplishment), samantalang sa adults na may one dose ay umaabot na sa 290,310 (102.94% achievement).

May kabuuang 73,783 individual naman ang tumanggap na ng booster doses, samantalang sa pediatric population aged 12-17 years, ay nabakunahan na ang 33,984 o’ 79.38 percent mula sa target population na 42,811 at ang fully vaccinated ay nasa 30,923 o’ 72.23 percent.

Zaldy Comanda