Kinakiligan ng mga 'DonBelle' fans ang pagsuporta ng mahusay na aktres at ina ni Donny Pangilinan na si Maricel Laxa-Pangilinan, sa first ever digital concert ng ABS-CBN rising star na si Belle Mariano, na nagaganap ngayong Enero 29, 2022 sa pamamagitan ng KTX.ph at TFC IPTV.

Ibinahagi kasi ng TV5 news anchor na si Christine Bersola-Babao, misis ng bagong 'Kapatid' na si Julius Babao, ang ilang mga litrato ni Belle sa kaniyang digital concert na 'Daylight'.

"Everybody, present?" tanong ni Tintin.

Ni-retweet naman ito ni Maricel at sinabing "Yes po, present!"

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa Twitter/Maricel Laxa-Pangilinan)

Isa sa mga rising love teams ng Kapamilya Network ang 'DonBelle' nina Donny at Belle kaya naman tuwang-tuwa ang mga tagahanga ng tambalan sa pagsuporta ni Maricel kay Belle. Si Maricel ay isa sa mga cast member ng 'Mano Po Legacy: The Family Fortune' sa pinagsanib-pwersang produksyon ng GMA Network at Regal Films.

Samantala, isang malaking katuparan umano para kay Belle ang concert na ito, na ni hindi umano sumagi sa kaniyang isipan noong bata pa lamang siya.

“Parang ngayon pa lang sa akin nag si-sink in may concert pala ako. Ten years ago, hindi ko ito nakikita na mangyayari. I was just dreaming. I was a little girl who’s dreaming of this (concert) and finally, achieving and fulfilling her dreams. Grabe, iba talaga yung pakiramdam. I’m just so grateful na nabibigyan ako ng ganitong opportunities,” saad ni Belle sa media conference para sa kaniyang debut concert.

Image
Belle Mariano at Donny Pangilinan (Larawan mula sa Twitter)

Ang kanilang pelikulang 'Love is Color Blind' ni Donny ay highest-grossing Filipino movie noong 2021 na naipalabas sa online streaming.