Panibagong 17,382 na katao ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health nitong Sabado, Enero 29.
Umakyat sa 213,587 ang aktibong kaso sa bansa.
Ang mga nangungunang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng bagong impeksyon ay ang Metro Manila, Calabarzon, at Davao Region.
Sa naturang aktibong kaso, 199,893 ang nakaranas ng mild symptoms. Mayroon namang 8,736 na pasyente na asymptomatic, 3,114 ang moderate, 1,526 ang severe, at 318 ang kritikal.
Ayon sa DOH, 35,382 ang nakarekober mula sa sakit, kaya't umabot na sa 3,261,338 ang kabuuang bilang ng mga survivors.
Gayunman, 70 ang naitalang pumanaw sanhi upang umabot sa 53,871 ang death toll.
Nasa 3,528,796 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa simula noong magkapandemya.
Analou de Vera