Bad news na naman sa mga motorista.

Nagbabadyang magpapatupad muli ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Pebrero 1, 2022.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tataas ng P0.80 hanggang P0.90 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.60-P0.70 sa presyo ng diesel at P0.40-P0.50 naman marahil ang idadagdag sa presyo ng kerosene.

Sakaling ipatupad, ito na ang ikalimang sunod na linggong oil price hike ng mga kumpanya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ang napipintong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa loob ng apat na linggong dagdag-presyo mula sa petsang Enero 4,11,18, at 25 umabot na sa P7.20 ang itinaas ng diesel, P6.75 sa kerosene at P4.95 naman sa gasolina.

Bella Gamotea