Kinuwestiyon ni datingNational Task Force (NTF) against COVID-19 medical adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon ang naging pasya ng gobyerno na hindi na isasailalim sa facility-based quarantine ang mga bakunadong international travelers at returning overseas Filipinos (ROFs) simula Pebrero 1.
Sa isang television interview, iginiit nito na hindi pa ito ang tamang panahon upang luwagan ang COVID-19 protocol sa bansa.
Sa desisyon ng pamahalaan, inaatasan ang mga nasabing dayuhangbiyahero at ROFs na mag-self-monitor na lamang sa posibleng pagkaroon ng sintomas ng sakit.
“Pwede ba yun? Ganun ba kabilis tayo mag-decide na hindi muna [tayo nag-consult] sa mga medical communities para at least man lang makakuha ka ng mas maraming opinyon," pagtatanong ni Leachon
“Kung ako ang tatanungin mo, for a major policy, siguro mga mid-February – dalawang linggo [bago] isagawa para sa ganun ay mai-anunsyo mo naman sa mga tao at tiyak [maisaayos ang] mga loose ends na hindi klaro," dugtong nito.
Hindi aniya ligtas na luwagan ang protocols sa gitna ng tumataas na bilang ng kaso ng sakit.
“Pinoprotektahan din natin ‘yung mga dadating and removing some of the medical safeguards may actually cause a surge eventually,” babala nito.
Nitong Enero 28, inanunsyo ng Malacañang ang nasabing hakbang
Beginning Feb. 1, fully vaccinated inbound travelers will no longer be required to undergo a mandatory facility-based quarantine, Malacañang said on Friday, Jan 28.
Sa nasabing desisyon ng pamahalaan, kinakailangan lamang iharap ng mga biyahero ang kanilang negatibongreverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test result na kinunan 48 oras bago ang kanilang pag-alis sa bansang pinanggalingan upang mapayagan ang mga ito mag-self-monitor para sa anumang sintomas ng COVID-19.
Charie Mae Abarca