Kahit solido ang ipinamalas na laro ni Kai Sotto, hindi pa rin nito naibangon ang kanyang koponang Adelaide 36ers sa pagkakatalo sa pagpapatuloy ng kanilang laro sa National Basketball League (NBL) nitong Biyernes.

Pinataob ng Tasmania JackJumpers, 76-71 ang 36ers at nabale-wala ang 12 puntos at perpektong shooting performance ni Sotto, bukod pa ang dalawang rebounds at isang block sa 16.5 minutong paglalaro nito.

Dahil dito, natikman ng 36ers ang ikatlong sunod na pagkatalo kaya nasa ikasiyam na sila na puwesto.

Sa unang bugso ng laro, nakalamang pa ang koponan ni Sotto, 59-52, gayunman, hindi na sila nakaporma sa JackJumpershanggang sa huling yugto ng laro.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Umaasa naman ang Adelaide na mapuputol nila ang pagkatalo sa nakatakdang paghaharap ng mga ito sa Melbourne United sa Linggo ng umaga.