May patutsada muli si Presidential aspirant at Senador Panfilo "Ping" Lacson nitong Biyernes, Enero 28, tungkol sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na kulang ito sa "on-the-ground" work. 

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Lacson ang kanyang naging karanasan, aniya ilang beses niya umano itinaya ang buhay niya at nilabanan niya maging ang mga tulisan. 

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

https://twitter.com/iampinglacson/status/1486839791748411400

"I risked my life countless times, kicking doors while leading my men to save people I didn’t even know. I fought notorious armed robbers to make people sleep soundly at night. I saved P300B of public funds from being misused and abused," ani Lacson.

"Kulang sa ‘ground work’? I value my work," dagdag pa ng dating police general.

Matatandaang sa panayam ni Vice President Leni Robredo sa “The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda,” na umere noong Enero 26, sinagot niya ang tanong na “Bakit hindi dapat iboto” ng taumbayan si Lacson.

Sagot ni Robredo, "Maraming salita pero kulang sa on-the-ground na gawa."

Gayunman, sinagot ito ni Lacson sa pamamagitan ng isang tweet.

“Hindi ako kulang sa ‘on the ground’. Hindi lang talaga ako ma-epal tuwing magbibigay ng tulong sa mga kalamidad man o sa mga indibidwal na tulong,” ayon sa Senador.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/26/ping-lacson-nag-react-kay-robredo-hindi-lang-talaga-ako-ma-epal-tuwing-magbibigay-ng-tulong/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/26/ping-lacson-nag-react-kay-robredo-hindi-lang-talaga-ako-ma-epal-tuwing-magbibigay-ng-tulong/

Matapos sagutin ni Lacson ang naturang pahayag ni Robredo, may sinabi naman ito tungkol sa tanong ni Boy Abunda na “bakit hindi dapat iboto” ang mga katunggali nito.

“True to his form as a seasoned and sharp-witted interviewer, Boy Abunda’s “WHY NOT VOTE FOR…” question is actually a test of his interviewee’s character,” aniya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/27/lacson-sa-bakit-hindi-dapat-iboto-question-ni-abunda-actually-a-test-of-his-interviewees-character/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/27/lacson-sa-bakit-hindi-dapat-iboto-question-ni-abunda-actually-a-test-of-his-interviewees-character/

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/01/27/saab-magalona-may-patutsada-hindi-epal-maging-transparent-ang-epal-nagpaparamdam-lang-tuwing-eleksyon/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/27/saab-magalona-may-patutsada-hindi-epal-maging-transparent-ang-epal-nagpaparamdam-lang-tuwing-eleksyon/