Natimbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Jordanian na nag-overstay sa bansa at natuklasan ding nagpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam, binanggit ni BI intelligence chief Fortunato Manahan, Jr. na inaresto nila si Al Barghouthi Tarek El Abed Darwish, 43, sa Barangay San Jose, Baliuag, Bulacan, sa tulong na ng pulisya sa lugar.

Noong Oktubre 2021, naglabas ng warrant of deportation ang BI kasunod na rin ng summary deportation order laban sa kanya dahil sa pag-o-overstay nito sa Pilipinas.

Matapos maaresto, kaagad na dinala si Al Barghouthi sa Chinese General Hospital para sumailalim sa swab testing kung saan ito natuklasang nagpositibo sa sakit.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Naka-quarantine pa rin si Al Barghouthi at ililipat ito sa holding facility ng ahensya sa Taguig kapag nakarekober na ito sa karamdaman.

Jun Ramirez