Hindi maikakailang reyna ng fashion trend sa Pilipinas at maging sa ibang bansa ang Kapuso actress na si Heart Evangelista. Sa katunayan, muli nitong pinatunayan ang kanyang trono sa fashion industry sa kanyang muling pagdalo sa Paris Fashion Week (PFW).

Kilala sa kanyang wardrobe na puno ng kilalang luxury brands mula sa damit, bags hanggang sa jewelries, hindi na bago ang pangalan ni Heart sa industriya. Sa katunayan, parating front seat ang aktres sa Paris Fashion Week (PFW) na kadalasa'y ibinabahagi niya sa kanyang Youtube channel.

Ngayong taon, muli na namang lumipad si Heart sa tinaguriang "City of Love" at "Fashion Capital of the Western World," ang Paris, upang dumalo sa ilang fashion shows na inorganisa ng naglalakihang fashion brands kabilang na ang Dior, Balmain, Victor and Rolf, Chaumet, Schiaparelli, Tony Ward bukod sa iba pa.

Kamakailan lang din nang ibahagi ni Heart sa kanyang Instagram na bahagi na siya ng Christian Dior family.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

"Ecstatic to spend my time here in Paris with a brand that has always been close to my heart ? Merci@dior, for making me part of your ever-growing family! Can't wait for mademoiselle@mariagraziachiuri‘s masterpieces ✨#dior#diorcouture," caption ni Heart sa kanyang Instagram post noong Lunes, Enero 24.

Sa parehong fashion week, ibinida rin ni Heart ang larawan nila ni Chiara Ferragni, isang sikat na Italian fashion model, businesswoman at founder ng "The Bond Salad", isang fashion blog.

Heart Evangelista at Chiara Ferragni via Instagram

Silipin ang ilang pasabog na awrahan ni Heart sa gallery na ito:

Heart Evangelista via Instagram

Heart Evangelista via Instagram

Heart Evangelista via Instagram

Heart Evangelista via Instagram

Heart Evangelista via Instagram

Heart Evangelista via Instagram

Heart Evangelista via Instagram

Heart Evangelista via Instagram

Kung kadalasan ay kasama ni Heart ang kanyang buong glam team sa kanyang nagdaang Paris trips, ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumipad nang mag-isa si Heart sa Europa para dumalo sa Paris Fashion Week 2022.