Nagpahayag ng pagkaalarma si dating chief presidential legal counsel at senatorial candidate Salvador Panelo sa ibinunyag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na kaya naaantala ang pagpapalabas ng desisyon sa kinakaharap na disqualification cases ni presidential bet Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. dahi sa pakikialam umano ng isang politiko.

"This is outrageous. The Comelec, a constitutional body, should be left alone with its constitutional duty to resolve election cases, on the basis of the evidence and the law," pagbibigay-diin ni Panelo nitong Biyernes, Enero 28.

Aniya, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nanghihimasok sa trabaho ng mga constitutionalbodies, katulad ng Comelec.

Gayunman, nanawagan ito sa Comelec na resolbahin kaagad ang naturang kaso ni Marcos.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

"It is unfair for respondent Marcos as well as the petitioner to be hanging in a limbo. No documentary and testimonial evidence is required as it is a simple legal issue arising from a previous conviction of Marcos, Jr. hence there is reason for the delay in its resolution," paglalahad ni Panelo.

Matatandaang naghain ng petisyon sa Comelec ang iba't ibang grupo upang i-disqualify si Marcos sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo sa May 9 National elections matapos ma-convict sa kanyang tax evasion case noong 1995.