Niyanig ng 4.3-magnitude na lindol ang rehiyon ng Eastern Visayas dakong 5:44 ng umaga nitong Biyernes, Enero 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang epicenter ng lindol siyam na kilometro ng Capoocan, Leyte na may lalim na walong kilometro.
Sinabi ng Phivolcs naramdaman ang lindol sa Intensity V sa Capoocan habang "moderately strong" sa Intensity IV sa Carigara, Kananga, at Leyte sa probinsya ng Leyte.
Naramdaman ang "weak tremor" sa Intensity III sa Ormoc City; Tunga, San Isidro, Tabango, Calubian, at Villalba, Leyte; at Cabucgayan at Biliran, Biliran; Intensity II naman sa Alangalang, Jaro, at Pastrana sa Leyte.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Gayunman, ayon sa Phivolcs, walang inaasahan na aftershocks.