Hirap daw makontak ng team ni aspiring President Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kinaruruonan ng dating senador sa Davao dahilan para hindi matuloy ang pagsalang nito sa nakatakda sanang presidential interview sa Super Radyo DZBB ngayong Biyernes, Enero 28.

Kinumpirma sa isang pahayag ng Super Radyo DZBB ang hindi na matutuloy na schedule ni Marcos sa programang “Ikaw na Ba: the Presidential Interview” na pangungunahan nina Melo del Prado at Kathy San Grabriel.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Batay sa impormasyong ipinaabot ni Mr.Rey Briones, pinuno ng communications group ni Marcos, hirap daw pong ma-contact ang dating senador sa lugar na kinaruruonan niya ngayon sa Davao,” sabi ng DZBB sa isang pahayag.

Sa kabila nito, handa pa ring magpaunlak ng panayam si Marcos sa Pebrero 2, dagdag ng DZBB subalit nakatakdang sumalang si Manila Mayor Isko Moreno sa nasabing petsa.

“Gayunpaman, patuloy po ang pakikipag-ugnagan namin sa kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos upang mahanapan ng panibagong schedule ang panayam niya dito sa “Ikaw na Ba," pagtatapos sa pahayag ng istasyon ng radyo.

Matatandaang una nang tinanggihan ni Marcos ang imbitasyon ng isa pang programa ng GMA, ang "The Jessica Soho Presidential Interviews" dahil "biased" umano at "anti-Marcos" ang award-winning broadcast journalist na si Soho.

Basahin: ‘#MarcosDuwag’, trending sa Twitter matapos ‘di paunlakan ni BBM ang isang presidential interview – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid