Pinayuhan ng showbiz commentator na si Cristy Fermin ang Kapamilya actor na si Enchong Dee na sumuko na lang sa mga awtoridad kasunod ng umano’y ulat na sinilbihan na ang aktor ng warrant of arrest subalit hindi raw ito nadatnan sa kanyang address sa Quezon City.

Basahin: ₱1B cyber libel case kay Enchong Dee, sumampa na sa korte? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ayon sa binasang detalye ni Cristy sa programang “Cristy Ferminute,” matapos umanong sumampa sa Davao Occidental Regional Trial Court ang kasong cyberlibel laban kay Enchong Dee ay naglabas na rin ng warrant of arrest ang mga awtoridad noong Enero 25, Martes.

Nagtatago nga ba ang aktor? Ito ang tanong ilan kasunod ng mga chika na ayon din sa mga kapitbahay ng aktor, hindi na raw ito umuuwi sa naturang address.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Basahin: Enchong Dee, ‘namaalam’ sa kaniyang mga tagahanga; tahimik sa isyu ng cyber libel case – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Biyernes, Enero 28, hindi nakaligtas ang usapin at umabot na nga maging sa kilalang Showbiz commentator na si Cristy Fermin. Dagdag pa nito, “dormitoryo” o “boarding house” lang ang lugar na tinutuluyan ng aktor sa Quezon City at hindi aktuwal na tirahan nito.

Gayunpaman, pinayuhan ni Cristy ang aktor na kusang isuko ang sarili sa mga awtoridad.

“Ito ang pinakamagandang gagawin ni Enchong dito ang voluntary surrender,” payo ni Cristy na madalas daw noong makatanggap ng warrant of arrest.

“Hindi po pwedeng pagtaguan ito dahil lahat po ng sangay ng pulisya ay pinadadalhan [ng warrant of arrest],” dagdag ng veteran showbiz columnist.

Para rin kay Cristy, mukhang hindi naman nagtatago ang aktor at kasalukuyan lang “humahanap ng tiyempo” at humihingi ng payo sa kanyang legal team.

“Huwag mong paliitin ang mundo mo, magpiyansa ka,” ani Cristy.

Basahin: Rep. Claudine Bautista-Lim, itinuloy ang kaso vs Enchong Dee matapos muntik makunan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nag-ugat ang kasong cyberlibel na inihain ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim noong Agosto 2021.

Basahin:Enchong Dee, kakasuhan ng ₱1-B libel case – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid