Nakitaan ng “downward trend” mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila, Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal, sabi ng OCTA Research Group noong Biyernes, Ene. 28.

Sa isang update sa Twitter, sinabi ng OCTA Research fellow na si Dr. Guido David na bumuti na sa "moderate risk" ang sitwasyon sa Rizal habang ang Metro Manila, Batangas, Cavite, Laguna, at Quezon ay nasa "high risk," batay sa internationally-developed COVID Act Now indicators na ginagamit ng research group.

“It looks like it [cases] has peaked outside NCR Plus [Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna] as a whole, cases will likely remain below 20,000 from here on and generally decrease,” ani David.

Ang Department of Health noong Huwebes, Enero 27, ay nag-ulat ng 18,191 bagong kaso sa buong bansa, kung saan, 2,270 na mga kaso ay mula sa Metro Manila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong Enero 27, ang COVID-19 growth rate sa Metro Manila ay higit na bumaba sa -67 porsiyento, na nangangahulugan na ang bilang ng mga kaso ngayong linggo ay 67 porsiyentong mas kaunti kaysa sa bilang ng mga kaso noong nakaraang linggo.

Bukod dito, ang reproduction number ng rehiyon o infection rate ay bumaba pa sa 0.52.

Ang healthcare utilization rate nananatiling "low" sa 43 porsyento.

Gayunpaman, ang positivity rate ng Metro Manila, na tumutukoy sa porsyento ng mga indibidwal na nagresulta ng mga positibong kaso mula sa mga na-testi para sa COVID-19, ay nananatiling "very high" sa 22 porsyento.

Ellalyn de Vera-Ruiz