Pinaalalahanan ng Commission on Human Rights (CHR) ang publiko na maging maingat sa kung paano nila pinangangasiwaan ang kanilang pribadong mga impormasyon online habang ipinagdiriwang ng bansa ang taunang “Data Privacy Day” ngayong araw, Enero 28.

"Today’s observance of Data Privacy Day is a reminder for us to start the year right by rethinking how we protect our private data. It is a global observance to raise awareness on accounts protection and online safety," sabi ng CHR sa kanilang paskil sa social media.

Pagkatapos ay nagbahagi ito ng tatlong simpleng tip upang maprotektahan ang pribadong data online.

“The first tip is not to use a singular password for all accounts. Sa ganitong paraan, mas hindi madali ang ma-hack.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Second is to always sign out on all devices — especially those that do not belong to the user.

“Lastly, use ad blockers so as to avoid pop-up ads that might contain viruses.”

Sinabi ng CHR na napapanahon ang paalala dahil sinabi ng Data Protection Excellence Center (DPEX), isang community initiative ng Straits Interactive na tumatalakay sa lahat ng usaping may kaugnayan sa data privacy sa ASEAN region, sa isang media release noong Enero 6 na magkakaroon ng higit pang mga paglabag sa privacy na nauugnay sa COVID-19 sa 2022 dahil sa digitalization, mga umuusbong na teknolohiya, at work-from-home surveillance.

“Expect to see more sophisticated breaches created by the pandemic situation in 2022 — whether it involves a data breach in a contact tracing app, unauthorized use of COVID-19-related personal data, or via the use of new privacy-intrusive technologies to profile or perform surveillance of individuals,” ani Kevin Shepherdson, chief executive officer of Straits Interactive, sa isang pahayag.

Czarina Nicole Ong Ki