Nanawagan para sa disbarment at forfeiture ng retirement benefits at lifetime pension ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guazon ang general counsel ng political party ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), para sa diumano'y napaaga at iligal na pagsisiwalat ng kanyang hindi paborableng boto laban kay Marcos Jr. sa kanyang disqualification petition.

Sinabi ng abogadong si George Briones ng PFP na dapat maparusahan si Guanzon “because of her premure [premature?] disclosure or leaking of her unpromulgated dissenting opinion.”

Hiniling din ng partido sa Comelec en banc na magsagawa ng agarang administrative investigation laban sa kanya bago ilabas ang kanyang retirement benefits.

Ang abogado ng PFP ay hindi pa naghahain ng mga kaukulang reklamo sa Korte Suprema sa kaso ng disbarment o sa Comelec para sa administrative probe.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Guanzon ay hindi naglabas ng dissenting opinion ngunit isang hiwalay na opinyon dahil hindi niya ibinunyag ang boto ng dalawa pang komisyoner kaugnay ng mga petisyon sa disqualification.

Inihayag ng Comelec commissioner ang kanyang boto sa isang panayam ng GMA na ipinalabas noong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Briones na "sinira ni Guanzon ang reputasyon ng institusyon kung saan nagmula ang mga perang ito."

Sinabi rin ni Briones na si Guanzon ay nagpahayag sa publiko with undue haste ng kanyang minority opinion bago pa magsumite ng opinyon ng iba pang mga komisyoner.

Sinabi niya na ang kanyang aksyon ay naglagay sa kanyang mga kapwa komisyoner “under a cloud of suspicion with her bare suspicions that an unnamed politician probably intervened.”

Sinabi niya na ito ay "purong sabi-sabi" na dapat "kondenahin ng Korte Suprema bilang hindi karapat-dapat sa isang nakaupong komisyoner."

“A judge should abstain from making public comments as any pending or impending case and should require similar restraint on the part of the court personnel,” ani Briones habang binabanggit ang code of judicial conduct.

Tinawag din ni Briones si Guanzon na "yellow," ang political color ng Liberal Party, sa “hayagang pagpanig” nito sa karibal ni Marcos Jr. na si Bise Presidente Leni Robredo, “by her undue haste to come out with a decision.”

Si Guanzon, idinagdag niya, ay itinalaga ng mga Aquino, isang pamilya ng mga politiko na kabilang sa partido ng oposisyon, sa iba't ibang posisyon sa gobyerno.

Kaya, “she should have inherited herself in these disqualification cases” laban kay Marcos, sabi ni Briones.

Joseph Pedrajas