Mababakunahan ang 700 na menor de edad na kabilang sa 5 hanggang 11 age group sa paglulunsad ng "Bakuna Para sa YO (younger ones) sa Pebrero 4 sa SM Sucat, ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez.

Sinabi ni Olivares na ang pangalan at iskedyul ng 700 na mga menor edad ay nakapost na sa Facebook page niya na Mayor Edwin Olivarez Official.

Sinabi niya sa mga magulang ng mga menor de edad na dalhin ang kanilang mga anak sa vaccination site ilang minuto bago ang itinakdang oras na kanilang matatanggap sa pamamagitan ng text o SMS message.

Inabisuhan din ng alkalde ang mga magulang o guardian na huwag kalimutan na dalhin ang birth certificate ng kanilang anak na mula saPhilippine Statistic Authority (PSA) o mula sa Local Civil Registrar (LCR)at iba pang dokumento na gagamitin bilang katibayan na mayroon kaugnayan sa bata tulad ng valid ID ng magulang o guardian, school o kahit anong valid ID ng bata, at medical certificate para sa mga may comorbidities na pinirmahan ng doktor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hinihikayat din ni Olivarez na i-register ng mga magulang ang kanilang anak sahttps://paranaquecity.ph//paranaquenyoat mabakunahan laban sa COVID-19.