Nadagdagan pa ng 139 na pulis ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP, nasa 1,862 na ang aktibong kaso ng sakit sa kanilang hanay.

Sa kabuuan, 47,897 na ang nahawaan ng COVID-19 sa PNP mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa. Sa naturang bilang, 45, 909 na ang nakarekober.

Gayunman, nakapagtala ang PNP ng 126 na binawian ng buhay sa sakit.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

Sa kasalukuyan, aabot na lamang sa 0.42 porsyento o 943 na tauhan ang PNP ang hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

Nitong Huwebes, naiatala ng Department of Health (DOH) 18,191 na bagong nahawaan ng sakit kaya umabot na sa 3,493,447 ang kaso ng karamdaman sa Pilipinas, kabilang na ang 53,736 na namatay.

ReplyForward