Aabot sa₱1,895,500 na halaga ng ecstasytablets o party drugs angnaharangng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) sa limang packages na nasa Central Mail Exchange Center (CMEC) warehouse sa Pasay City kamakailan.

Iniulat ng BOC-NAIA na ang iligal na droga ay nakasilid sa mga iniwang kargamento sa loob ng bodega.Natuklasang nanggaling ang mga ito sa Germany at Netherlands.

Sa report, unang naharang ng mga tauhan ng BOC, NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga kargamento na sa nasabing bodega. Nanggaling umano sa Germany ang kargamento at consignee nito ang isang Shawn Eros Batu, taga-Block 6, Macleod Daliao, Toril, Davao City.

Ang ikalawang parcel ay nagmula pa rin sa Germany na nakapangalan naman sa isang Jenina Ramos Joaquin, taga-Purok 4, Bambang, Bulakan sa Bulacan. Naglalaman ito ng 384 ecstasy tablets.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Nanggaling naman sa Netherlands ang ikatlong package na nakapangalan naman sa isang Ryan Carrasco, taga-Unit 14111 Pioneer,Highlands Condominium Tower 1, Pioneer St., Mandaluyong City. Nasamsam ang 105 ecstasytablets.

Ang ikaapat at ikalimang parcels na naglalaman din ng mga ecstasy tablets ay nagmula rin sa Netherlands na nakapangalan sa isang CedricLinsanan, taga-5 Quezon St., Del ReyVillage1, Baesa, Brgy. 163, Caloocan City.

Idinagdag pa ng PDEA na ang nasamsam na party drugs ay nagkakahalaga ng₱1,895,500.

Bella Gamotea