Ipinahayag ng aktres na si Agot Isidro na matapos ang panayam ni King of Talk Boy Abunda kay presidential candidate Vice President Leni Robredo, sa 'The 2022 Presidential One-On-One Interview' noong Enero 26, 2022, masasabi niyang 'lutang' si VP Leni, ayon sa kaniyang latest tweet.

Ngunit hindi kagaya ng ilang mga birada laban kay VP Leni, ang pagiging 'lutang' umano ng kaisa-isang babaeng kandidato sa pagkapangulo ay pagiging angat nito sa kagalingan at kahusayan sa pagsagot sa mga tanong ni Boy, at paglalatag ng kaniyang mga kongkretong plano at plataporma.

Screengrab mula sa Twitter/Agot Isidro

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Leni Lutang?"

"Lutang na lutang ang galing!"

"Lutang na lutang ang husay!"

"#LetLeniLead2022" ayon sa tweet ni Agot ngayong Enero 27, 2022.

Pinuri at nagustuhan din ni Agot ang tugon ni VP Leni sa tanong na 'Can you say within 3, 6, or 9 months you can end the drug problem?'

"I won't. But my commitment is we will be better off after six years," tugon ni VP Leni.

Screengrab mula sa Twitter/Agot Isidro

Sa isa pang tweet, pinuri din ni Agot ang mga plano at plataporma nito.

"Detailed, knowledgeable, experienced, armed with concrete plans," aniya.

"Nakababad sa laylayan kaya alam ang problema at may solusyon na maibibigay. #LeniAngatSaLahat."

Screengrab mula sa Twitter/Agot Isidro

Si Agot Isidro ay isa lamang sa mga celebrity na certified 'Kakampink' at tagasuporta ni VP Leni sa liderato nito bilang pangalawang pangulo, at kandidatura nito sa pagkapangulo.