Pinag-iingat ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko sa mga pekeng social media accounts ng mga Comelec commissioners, na ang layunin anila ay sirain ang integridad ng nalalapit na halalan sa bansa sa Mayo 9.
Paglilinaw ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang mga naturang fake accounts at profiles ay nagpapanggap na poll officials sa iba’t ibang social media platforms.
Aniya, ang anumang friend request mula sa mga naturang accounts ay hindi dapat na tanggapin at sa halip ay kaagad na isuplong sa mga awtoridad.
“Any Facebook friend request purporting to be coming from a Comelec Commissioner or other key officials of the poll body should not be accepted, but instead immediately reported for community standards violations,” panawagan ni Jimenez.
Binatikos din ni Jimenez ang mga nasa likod ng mga naturang pekeng accounts.
Tiniyak din niya na handang gumawa ng legal na aksyon ang Comelec laban may pakana nito.
“These blatant attempts to steal the online identity of Comelec officials are potentially part of a broader attempt to undermine the integrity of the elections,” aniya pa.
Mary Ann Santiago