Hindi dapat iboto ng mga Pilipino si Vice President Leni Robredo o dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang susunod na pangulo dahil maghihiganti lamang ang mga ito, ayon kay presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.
Sa "2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda" na umere nitong Huwebes, Enero 27, tinanong si Domagoso kung bakit hindi dapat iboto ng mga Pilipino ang iba pang presidential aspirants.
Kung bakit hindi dapat iboto ng taumbayan sina Senador Panfilo Lacson at Senador Manny Pacquiao, aniya "Pwede naman iboto rin" at "Mabait naman, okay naman," ayon sa pagkakabanggit.
Sa hindi pagboto kay Robredo, sinabi ni Domagoso "maghihiganti sa Marcos at Duterte."
At kay Marcos, aniya "Maghihiganti sa dilawan at pinklawan."
Nauna nang sinabi ng alkalde ng Maynila na ang mga Pilipino ay karapat-dapat na "mamuhay sa ating kasalukuyan at magtulungan para sa ating mas magandang kinabukasan."
“We don’t forget what happened in the past, we will always remember their mistakes and successes,” aniya.
“With their success, we will duplicate and innovate, with their failure, pananagutin natin sila sa mata ng batas, hindi sa kapritso at kapangyarihan lamang ng pangulo," dagdag pa niya.
Samantala, tinanong si Domagoso kung bakit siya ang dapat iboto ng mga Pilipino.
“Hindi maghihiganti sa kanino man, sa bilis ng problem, kailangan ng tunay na solusyon at mabilis na aksyon," aniya.Jaleen Ramos