Handa nang ilunsad ng Manila LGU ang vaccination drive para sa mga kabataang may edad na 5 hanggang 11, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Sa isang Facebook live, sinabi ni Domagoso na naghihintay na lamang sila ng green light ng Department of Health (DOH) at ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 para sa implementasyon ng programa na nakatakdang simulan sa Pebrero 4.

“Nakahanda na po ang inyong pamahalaang lungsod sa pagbabakuna ng ating mga kabataan na may edad 5 hanggang 11 taong gulang. We are just awaiting word from the DOH as to our schedule in Manila, kung kailan nila kami bibigyan ng mga bakuna para sa mga bata," aniya.

Hindi pa matukoy ang bilang ng mga bata na ma-aaccommodatearaw-araw dahil depende pa rin ito sa bilang ng mga suplay na ibibigay ng DOH.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Samantala, muling hinikayat ni Domagoso ang mga magulang at guardian ng mga kabataang kabilang sa age bracket na mag pre-register na sa pamamagitan ng online vaccination site ng Lungsodhttps://manilacovid19vaccine.ph.

Tiniyak ng alkalde na ang pagbabakuna sa mga bata na 12 taong gulang pababa ay inirekomenda ng World Health Organization, DOH, at iba pang eksperto.

“So huwag po tayong mangamba. We were assured that the vaccine would be safe. Mas delikado kung walang bakuna," aniya.

Layunin ng gobyerno na mabakunahan ang 14.7 milyong bata na may edad 5 hanggang 11.

Nasa 780,000 doses ngPfizer pediatric vaccine ang inaasahang darating sa bansa sa Enero 31.

Jaleen Ramos