Nakatanggap ng food packs ang 5,100 daycare students sa Gen T. De Leon mula sa Valenzuela City government nitong Miyerkules, Enero 26.

Ang pamamahagi ng food packs ay parte ng #AlagangValenzuelano Chikiting Food Patrol project ng lungsod sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang Alagang Valenzuelano Chikiting Food Patrol ng Valenzuela City ay isang feeding program na naglalayong labanan ang malnutrisyon sa mga bata.

Ang bawat food package ay naglalaman ng dalawang pack ng canton noodles, tatlong pack ng mixed rice at monggo beans, canned goods, dalawang lata ng evaporated milks, dalawang pack ng sotanghon noodles, isang bag ng bigas, isang maliit na pack ng anchovy fish, isang box ng hotcake mix, isang pack ng macaroni noodles, tatlo hanggang apat na packs ng nutri-foods, at isang pack ng monggo beans.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga naturang food packs ay tinanggap ng mga magulang ng mga daycare students sa Valenzuela 3S Center.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ipagpapatuloy nila ang inisyatibong ito sa iba pang barangay sa lungsod.

Bukod sa food packages, namahagi rin ang #AlagangValenzuelano Chikiting Food Patrol ng NutriBun packs na naglalaman ng pitong tinapay para sa Kinder hanggang Grade 6 students ng lungsod noong Nobyembre 3.