Tutol si Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa legalisasyon ng abortion, kahit sa mga kasong may kinalaman sa panggagahasa.
Sa2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda na umere nitong Huwebes, Enero 27, binigyan ng isang senaryo si Domagoso na kung saan may isang babae ang nabuntis dahil sa panggagahasa.
“I don’t like taking life, so ayaw ko ng abortion. But I am pro-choice in terms of other things like ‘yung kung ano ‘yung mga accessible na pwedeng ibigay ng estado para sa family planning," aniya.
“Dahil ‘yang bata na ‘yan na nasa sinapupunan ng nanay walang kakayanan ipagtanggol ang sarili niya. Buhay na ‘yun eh, life na ‘yon," dagdag pa ni Moreno.
Nanindigan din si Domagoso na ang Diyos lamang ang maaaring kumitil ng buhay at hindi ang tao.
“Life is life… When there is life already, nobody should take it away kasi ipinagkaloob ng Diyos ‘yan," anang alkalde.Jaleen Ramos