May patutsada ang award-winning ABS-CBN writer at tumatakbong miyembro ng partylist group na 'Kapamilya ng Manggagawang Pilipino' na si Jerry Gracio sa balitang nakuha na ng 'Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pag-aari umano ng dating senador na si Manny Villar, ang Channel 2 at Channel 16 frequencies na dating ginagamit ng ABS-CBN noong nasa free TV pa.

Kung ang ABS-CBN ay tinatawag na 'Kapamilya Channel', ang tawag naman daw sa AMBS ni Villar ay 'Capalmella Channel'; pinagsamang Kapamilya at Camella, na tumutukoy sa pagmamay-aring exclusive subdivision ng pamilya Villar.

"So, sa Capalmella Channel, malamang ang mga shows, walang research, dahil ayaw ni Cynthia ng mga baliw na baliw sa research," saad sa tweet ni Gracio.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa Twitter/Jerry Gracio

Bukod sa AMBS, naibigay na rin sa 'Sonshine Media Network International' o SMNI ni Pastor Apollo Quiboly ang Channel 43 naman na dati ring ginagamit ng ABS.

Aniya, ipinasara umano ni Pangulong Duterte ang network upang pakinabangan ng kaniyang mga kaalyado.

"So, 'yung Channel 2, ibinigay na sa mga Villar. 'Yung Channel 43 broadcast frequency na dating ginagamit ng ABS-CBN, ibinigay naman kay Quiboloy."

"Ipinasara nila ang network, tinanggalan ng trabaho ang 11,000 manggagawa, para makinabang ang mga crony ni Duterte," saad pa niya.

Screengrab mula sa Twitter/Jerry Gracio

Ibinahagi pa ni Gracio na may nakausap umano siyang dating manggagawa ng network na hirap na hirap ngayon dahil sa natanggalan ng trabaho.

"May nag-message sa akin na dating cameraman ng network, nagkukuwento tungkol sa hirap ng pamilya niya ngayon. Hindi lang usapin ng press freedom ang pagsasara ng network. Usapin ito ng kabuhayan at buhay ng mga manggagawa. Kaya maniningil kami."

Screengrab mula sa Twitter/Jerry Gracio

Kaya pangako ni Gracio, "Titindig ang #101KapamilyaPartylist para sa lahat ng Kapamilya, para sa mga manggagawa ng network na tinanggalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. Maniningil kami."

Screengrab mula sa Twitter/Jerry Gracio

Samantala, wala pang pahayag dito ang mga Villar o si Quiboloy.