Matapang na naglabas ng kaniyang reaksyon, opinyon at saloobin ang GMA Kapuso news anchor na si Arnold Clavio, hinggil sa pahayag ng tagapagsalita ng Commission on Election (Comelec) na si Director James Jimenez, na kailangan umanong magsuot ng face shield ang mga boboto sa darating Eleksyon 2022.

Matatandaang isa si Clavio sa mga tinamaan ng COVID-19, at matapos ang halos dalawang linggo ay balik-trabaho na siya.

Ayon sa kaniyang Instagram post nitong Enero 27 na may pamagat na 'TILAMSIK NI IGAN', para sa kaniya ay mukha at simbolo ng katiwalian sa ilalim ng administrasyong Duterte ang face shield.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa IG/Arnold Clavio

Screengrab mula sa IG/Arnold Clavio

Sinimulan niya ang IG post sa pamamagitan ng isang pahayag mula kay Edward Snowden, isang American author, dating Intelligence Community officer at whistleblower.

“There can be no faith in government if our highest offices are excused from scrutiny — they should be setting the example of transparency.” — Edward Snowden."

"Natuwa ako sa huling pahayag ng tagapagsalita ng Commission on Election, na si Director James Jimenez, na kailangang magsuot ng face shield ang mga boboto sa darating Eleksyon 2022."

"Ito ay dagdag proteksyon para sa mga botante at para na rin sa ating mga guro na uupo bilang Board of Election Officer."

"Pero sa akin ito ay magandang pagpapaalala sa mga botante kung papaano pinagsamantalahan ng mga taong malapit kay Pangulong Duterte ang pagdurusa ng mga Pilipino sa gitna ng pandemic."

"Ang ‘face shield’ ay mukha at simbolo ng korapsyon sa ilalim ng Duterte Administration at sa kanilang covid response."

"Hanggang ngayon ang tanong para sa akin na pilit di pa rin masagot nang malinaw ay kung bakit sa ‘Pharmally Pharmaceuticals Corp. pinagkatiwala ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) ang may 8 bilyong piso mahigit para sa kinakailangan na medical supplies."

"Hindi ako magtataka na hanggang ngayon ay pinagtatawanan pa rin nina Michael Yang at Atty. Christopher Lao ang mga Senador, ang mamayang Pilipino o maging si Mayor."

May panawagan si Igan sa mga botante sa darating na halalan.

"Kaya sa darating na Mayo ngayong taon, HUWAG KALIMUTAN NA MAGSUOT NG FACE SHIELD at HUWAG NA HUWAG KALIMUTAN KUNG PAPAANO TAYO NA-BUDOL NG MGA MALAPIT KAY PANGULONG DUTERTE NG 8 BILYONG PISO.

Paalala niya sa dulo, "Walang Personalan."

Naka-turn off naman ang comment section ng kaniyang IG post.