Umaapela ang Department of Education (DepEd) ng suporta sa mga stakeholders nito upang matiyak na ang mga field offices at mga paaralan ay may kapasidad at handa sa tuluyang pagpapalawak ng implementasyon ng limited face-to-face classes sa Pebrero.
“During the pilot phase, we witnessed how we came together to ensure the safety of our learners and personnel. We believe we can duplicate and even double our efforts in our expansion and make face-to-face classes a possibility for all,” ayon kay Education Secretary Leonor Briones.
Sa EduAksyon Virtual Press Conference na pinangunahan ng DepEd-Region II, tinukoy naman ni DepEd Undersecretary at Chief of Staff Nepomuceno Malaluan ang kahalagahan ng shared responsibility framework na ipinatupad sa pilot run ng face-to-face classes at kung paano ito nakatulong sa pangkalahatang tagumpay ng programa.
“The framework of shared responsibility will continue and will be as aggressive as the pilot run. We will need help from our LGUs and the parents of the learners to make sure that this expansion will be as successful as our pilot,” aniya.
Ani Malaluan,patuloy na ipatutupad ng DepEd ang framework, at ang pagsang-ayon ng LGU at mga magulang ang mananatiling pangunahing kinakailangan para sa face-to-face classes.
Dagdag dito, nagpapatuloy ang mga operational steps ng DepEd bilang paghahanda para sa pagpapalawak ng face-to-face classes, kabilang ang pagtukoy sa mga paaralang handa na para sa expansion sa darating na Pebrero at koordinasyon sa Department of Health (DOH) sa regular na Alert Level updates sapagkat ang mga lugar na nasa ilalim ng Level 3 at Level 4 ay hindi pinapayagang magsagawa ng face-to-face classes.
Samantala, sa usapin ng pagbabakuna, muling iginiit ng DepEd na tanging ang mga bakunadong guro at kawani lamang ang papayagang lumahok sa pagpapalawak ng pilot implementation ng face-to-face classes.
Ibinahagi rin ng DepEd na patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa DOH para sa pediatric vaccination dahil mga vaccinated learners ang mas mabuti na sumali sa expansion.
“Since the government has announced the vaccination of school-aged children, participation of vaccinated learners is preferred so we are encouraging the continuous and aggressive vaccination of our students as an additional layer of safety precaution,” pahayag ni Malaluan.
Bagama't boluntaryo ang pagbabakuna, nilinaw ng DepEd na hindi nila iminamandato ang kanilang mga kawani na mabakunahan dahil umiiral pa rin ang flexible work-from-home arrangement.
“Vaccination is a choice and at the same time, pinapahalagahan at pinoprotektahan natin ang kalusugan ng nakararami. DepEd has to take into consideration the welfare and health of our people, especially our learners,” ani Briones.
Mary Ann Santiago