Hindi naiwasan ng GMA Kapuso news anchor na si Arnold Clavio na magbigay ng kaniyang reaksyon sa napabalitang napahintulutang mabigyan ng provisional authority ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ng dating senador na si Manny Villar, na gamitin ang Channel 2 at Channel 16 frequencies na dating ginagamit ng ABS-CBN Kapamilya Network.

Ibinahagi ni Igan sa kaniyang Instagram story ang isang art card mula sa isang news site tungkol sa naturang mainit na balita.

"Ano itatawag sa viewers nila? Kabahay? Ka-All Day? Ka-All Home? o Ka-Mella?” pabirong tanong ni Arnold. Ang mga nabanggit na kompanya ay mga negosyo ng pamilya Villar.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa IG/Arnold Clavio

Screengrab mula sa IG/Arnold Clavio

Dalawang taon na ang nakakalipas simula nang ibasura ng Kongreso ang aplikasyon ng Kapamilya network sa kanilang panibagong prangkisa na napaso noong Mayo 4, 2020.

Ayon sa inilabas na pahayag ng NTC, binibigyan nila ng awtoridad ang media company na pag-aari ni Villar na mag-install, mag-operate, at mag-maintain ng digital television broadcasting system sa National Capital Region gamit ang Channel 16.

"After the technical evaluation of AMBS request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS."

"This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shut-off scheduled in 2023."

Mag-ooperate umano ang AMBS mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi sa Starmall Mandaluyong City, at ang permit ay gagamitin lamang para sa test broadcast purposes.

Samantala, bumanat din ang award-winning ABS-CBN writer at tumatakbong miyembro ng partylist group na 'Kapamilya ng Manggagawang Pilipino' na si Jerry Gracio hinggil sa balitang ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/27/jerry-gracio-tinawag-na-capalmella-channel-ang-media-company-ni-villar/

Tinawag niya ang AMBS na 'Capalmella Channel', pinagsamang Kapamilya at Camella, na tumutukoy sa pagmamay-aring exclusive subdivision ng pamilya Villar.