Napasakamay ng mga awtoridad ang dalawang pinaghihinalaang big-time drug dealers sa Metro Manila at sa karatig lalawigan nang madakip sa buy-bust operation sa Makati City nitong Enero 26 na ikinasamsam ng₱40.8 milyong halaga ng illegal drugs.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Bryan Salceda, 26, may asawa, construction worker, at taga-Conception, Pasay City; at Jerome Gaje, 27, binata at taga-Estrella, Pasay City.

Sa police report, ikinasa ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs at Makati City Police ang anti-drug operation sa 3628 B, Hilario St., Brgy. Palanan, dakong 7:30 ng gabi na nagresulta ng pagkakaaresto ng dalawa.

Nakumpiska kina Salceda at Gaje ang mahigit anim na kilo ng umano'y shabu at boodle money.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Natuklasan ng pulisya na bukod sa Metro Manila, nag-o-operate din umano ang mga ito sa karatig probinsya.

Nagpapanggap din umano ang mga ito bilang online delivery couriers upang maisagawa ang kanilang drug transaction.

Nasa kustodiya na ng PNP-DEG ang dalawang suspek at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea