Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 18,191 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Enero 27, 2022.

Batay sa case bulletin #684, nabatid na ang Pilipinas ay mayroon nang 3,493,447 total COVID-19 cases sa ngayon.

Sa naturang bilang, 6.5% o 226,521 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso naman, 214,857 ang mild cases; 6,875 ang asymptomatic; 2,971 ang moderate cases; 1,509 ang severe cases; at 309 ang critical cases.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, nakapagtala rin naman ang DOH ng 22,014 bagong gumaling sa sakit.

Sa ngayon, umaabot na sa 3,213,190 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 92.0% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 74 pasyente ang namatay sa karamdaman, sanhi upang makapagtala na ang Pilipinas ng 53,736 total COVID-19 deaths o 1.54% ng total cases.

Mary Ann Santiago