Limitado lamang ang ilalabas na ticket para sa mga laro ng Gilas Pilipinas sa gaganaping FIBA World Cup 2023.

Ito ang inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules, Enero 26, at sinabing maglalabas lamang sila ng 1,1000 passes na mabibili lamang sa pamamagitan ng official site ng FIBA simula Marso 1.

Gayunman, hindi pa isinasapublikong SBP ang magiging presyo ng ticket.

“The journey for the FIBA World Cup 2023 in Manila starts now. Be the first to support your Gilas team by purchasing the ‘Follow my Team Pass – Philippines.’ Together, let’s win for all,” pagpapaliwanag ni SBP president Al Panlilio.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganapin ang World Cup sa bansa mula 1978 kung saan natalo ng Yugoslavia ang Soviet Union para sa korona.

Naunang isinapubliko na gagamitin sa nasabing kumpetisyonangPhilippine Arena sa Bocaue, Bulacan, Mall of Asia Arena sa Pasay City at Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Magiging co-host sa 2023 World Cup ang Japan, na gagamitin ang Okinawa Arena, at Indonesia na may bagong arena sa loob ngBung Karno complex sa Jakarta.

Nakatitiyak ng puwesto sa World Cup ang Philippines at Japan. Sa sitwasyon ng Indonesia, kinakailangan nitong makaabot sa quarterfinals ng FIBA Asia Cup ngayong taon o makuha ang isa sa anim na puwesto sa World Cup Asian Qualifiers upang makasiguro ng slot.

Nakalaan ang 12 na puwesto para sa Europe, walo sa Asia/Oceania region, pito sa Amerika at lima sa Africa.

Jnas Terrado