Ikinatuwa ni Vice President Leni Robredo nitong Miyerkules, Enero 26, ang plano ni Pangulong Duterte na ibunyag kung sino sa mga nangungunang presidential aspirants ang corrupt at hindi kwalipikado para sa pinakamataas na puwesto sa bansa dahil kung totoo man, ang impormasyon ay makatutulong sa mga tao na masuri kung sino ang iboboto sa darating na eleksyon.
“Parati naman nating welcome ‘yung information na totoo. Kasi nakatulong siya sa tao sa pag-assess ng capacity, ng integrity ng mga kandidato,” ani Robredo.
Nagtungo si Robredo sa Lamitan, Basilan para sa turnover ng Angat Buhay Weaving Center sa local government unit (LGU) at sa Yakan Weavers ng Brgy. Buahan.
“Whether si Presidente ‘yun, whether member ng media, or kahit ordinaryong tao, pero may accountability sa sinasabi nya, makakatulong ito during elections,” sabi ng presidential aspirant.
Sa ikalawang bahagi ng isang pre-recorded public address noong Martes, Ene. 25, binanggit ng Chief Executive na papangalanan niya ang "pinaka-corrupt" sa mga kandidato sa pagkapangulo bago ang botohan sa Mayo.
Binanggit niya na ang isang kandidato ay "talagang hindi maaaring maging isang pangulo" habang ang isa ay maaaring ihalal ngunit "masyadong corrupt."
Sinabi ni Duterte na bahagi ito ng kanyang obligasyon bilang Pangulo dahil gusto niyang iboto ng mga Pilipino ang tamang kandidato.
Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa ng mga alegasyon si Duterte laban sa mga posibleng kahalili niya. Noong Nobyembre, inangkin niya na ang isang presidential aspirant ay gumagamit ng cocaine ngunit umiwas sa mga awtoridad dahil umiinom siya ng iligal na droga sakay ng yate o sa mga eroplano.
Bagama't hindi siya nagbanggit ng mga pangalan, sinabi ng Pangulo na ang kandidato ay magiging isang "mahina na pinuno" na tanging ang sikat na pangalan ng kanyang ama.
Binigyang-diin ng Bise Presidente ang pangangailangan ng pananagutan sa "panahon ng disinformation" dahil sa mga anonymous na profile sa social media.
“Na-bombard tayo ng napakaraming disinformation, na ‘yung paniniwawala talaga natin pag tama ‘yung information, na ‘yung pinanggalingan may accountability, eto ‘yung mas mabuti para sa tao,” aniya pa.
Ang aspiring president ay bumisita sa Basilan at Zamboanga del Sur ngayong linggo para i-turnover ang mga proyekto ng Angat Buhay at pangasiwaan ang kanyang mga COVID response programs.
Nakipagpulong din siya kay Bishop Leo Dalmao at sa pamayanan ng mangingisda ng Brgy. Lukboton sa Isabela City, Basilan.
Pinangunahan ni Robredo ang P2-million project na binubuo ng pagsasanay, 50 units ng motorized banca, fishing paraphernalia, at solar-powered chest freezer. Layunin nitong doblehin ang buwanang dami ng huli at buwanang kita ng mangingisda.
Binisita rin niya ang punong-tanggapan ng 101st brigade sa Camp Luis R. Biel II sa Isabela City at ang headquarters ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) sa Camp General Basilio Navarro sa Zamboanga City upang i-turn over ang mga antigen test kit na binili ng Office ng Vice President (OVP).
Raymund Antonio