“If cramming works for you, then cram.”

Sa isang viral post, aminado si Kyle Magistrado, ang hinirang na topnotcher sa 1,306 na pumasa sa Medical Technologist Licensure Examination (MTLE), na isa siyang “huge crammer.”

Ibinahagi ni Magistrado, isang Unibersidad ng Santo Tomas gradutae, ang kanyang last-minute decision na mag-take ng boards pagkatapos ng isang "tough" na semester sa medikal school para mabigyan lang siya ng wala pang tatlong linggo upang magrebyu.

“I had no choice but to hold on to that belief that cramming will get me through it again,” saad niya.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Sinabi ng MTLE topnothcher na hindi niya sinabi sa kanyang mga kaibigan ang tungkol sa plano niyang kumuha ng board dahil inakala niyang hindi siya papasa dahil sa kanyang kakulangan sa paghahanda.

Kyle Mahistrado

“I was studying some subjects for 1-2 days only due to lack time (and motivation). Some of these subjects I last encountered way back 2019 pa. I was even more humbled after Day 1 sa sobrang hirap, I was counting my ‘sure’ answers pero halos half lang for every subject at 75% ang dapat na average,” sabi ni Magistrado.

“All I could do then was pray to God to help me make peace with myself if unfortunately I don’t pass. The next 8 days were filled with so much anxiety and self-doubt. I was telling myself that there’s already merit in trying, no matter the outcome,” dagdag niya.

Binati ni Magistrado ang kanyang kapwa rehistradong medical technologist na malapit nang maging bahagi ng “backbone” ng health system sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Let’s all vote wisely in the coming elections for the better interest of all,” dagdag niya.

Gabriela Baron