Ipinagtanggol ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang mga artistang piniling maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagpalaot sa mundo ng politika.
Inilakip niya ang litrato ni Ormoc City Mayor at aktor na si Richard Gomez. Bukod kay Richard, ibinida rin niya ang mga artista-politiko na sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Dan Fernandez, Isko Moreno, Jomari at Anjo Yllana, at Joseph 'Erap' Estrada.
"Isang magandang example ng isang artista na naging mabuting pulitiko iyon mga pumasok sa pulitika at nakikita mong nag trabaho nang mahusay. Kahit ano pa sabihin, maganda din naman ang naging record ni Joseph Estrada noon, kaya umabot siya hanggang sa pagiging Presidente," aniya.
"Sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Dan Fernandez, at Vilma Santos, nagtagal sa puwesto dahil nagpakita ng husay nila. Sila Isko Moreno, Richard Gomez, Jomari at Anjo Yllana, hanggang ngayon nandiyan pa rin at nagsisilbing mga public servants. Kahit pa nga ano sabihin, nagawa nila ang mga dapat gawin para sa tungkulin nila."
Kaya huwag daw ismolin ang mga artistang sumasabak sa politika.
"Huwag natin isipin na pag artista walang magagawa. Basta hinarap nila ang trabaho, dedicated sila. They do their job. Artista man, kaya din nila. So huwag natin isipin basta artista waley, kung minsan mas mahusay pa sila, promise!"
Sino-sino nga ba ang mga artista o celebrity na tatakbo sa iba't ibang posisyon sa local and national elections 2022?
Para naman sa nasyonal, tumatakbong senador sina Jinggo Estrada (re-elect), Raffy Tulfo, Manuel Monsour del Rosario III, Herbert Bautista, at Robin Padilla. Umatras naman dito ang ABS-CBN newscaster na si Noli De Castro.
Si Tito Sotto III naman na senate president ay tumatakbong pangalawang pangulo habang si Manila City Mayor Isko Moreno ay tumatakbong pangulo ng bansa.
Para sa lokal naman:
- Jason Abalos- provincial board member of the 2nd District of Nueva Ecija
- Ejay Falcon- vice governor, Oriental Mindoro
- Richard Yap- representative, 1st District of Cebu City
- Javi Benitez- mayor, Victorias City, Negros Occidental
- Jhong Hilario- councilor, Makati City
- Lou Veloso- councilor, Makati City
- Anjo Yllana- congressman ng 4th District of Camarines Sur (ngunit hindi na natuloy dahil sa campaign fund issue)
- Angelu de Leon- councilor, Pasig City
- Aiko Melendez- councilor, Quezon City
- Ali Forbes- councilor, Quezon City
- Bobby Andrews- councilor, Quezon City
- Lucy Torres-Gomez- mayor, Ormoc City (kasalukuyang representative ng 4th district of Leyte)
- Richard Gomez- representative ng 4th district of Leyte (kasalukuyang mayor ng Ormoc City)
- Nash Aguas- councilor, Quezon City
- Dennis Padilla- councilor, Caloocan City
- Arjo Atayde- congressman, Quezon City
- Karla Estrada- Tingog Sinirangan party-list group
- Claudine Barretto- councilor, Olongapo City
- Nora Aunor- tumatakbo sa ilalim ng National Organization for Responsive Advocacies for the Arts (NORA A) party-list group
- Angelica Jones- congresswoman ng 3rd district of Laguna
- Alex Castro- vice governor, Bulacan
- Imelda Papin- vice governor, Camarines Sur
- Sharifa Akeel- governor, Sultan Kudarat
- Jomari Yllana- councilor, Parañaque City
- Vandolph Quizon- councilor, Parañaque City
- Shamcey Supsup- sa ilalim ng ARTE party-list group
- Tom Rodriguez- sa ilalim ng Anak Maharlikang Pilipino party-list group
- Leren Mae Bautista- councilor, Los Baños, Laguna