Nag-donate ang United Korean Community Association (UKCA) ng 20 units ng water filter system na gagamitin para maibsan ang kalagayan ng pamumuhay sa mga komunidad na sinalanta ng bagyong “Odette” lalo na sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Rear Admiral Ronnie Gil L. Gavan, commander ng Task Force Kalinga ng Philippine Coast Guard, na ang water filter system ay magbibigay potable water source maiinom sa mga barangay kung saan apektado ang suplay ng tubig kasunod ng paghagupit ng Bagyong “Odette”.
Sinabi ni Gavan na ang mga donasyon ay naakomoda bilang mga kargamento sa sweeper flights patungo sa Northeastern Mindanao, Palawan, Central Visayas, Western Visayas at Eastern Visayas sa pamamagitan ng Task Group Airport One-Stop-Shop, Office for Transportation Security (OTS), Overseas Workers Welfare Administration ( OWWA), at Philippine Airlines.
“We are humbled by the generosity of our local airlines to ensure the safe and swift delivery of critical supplies to our recovering kababayans,” ani Gavan.
Samantala, sinabi ng PCG na nakapagdala na ito ng kabuuang 1,737.4 tonelada ng relief goods noong Enero 26.
Sa Bohol, pinuri ni Gobernador Art Yap ang PCG District Central Visayas sa pangunguna ni Coast Guard Commodore Agapito B. Bibat sa pagbibigay ng tulong sa recovery at rehabilitation ng 280,000 pamilya sa lalawigan.
“If people say that we have done a lot for our people, I would say that is because of the support that you, Commodore Bibat, and the Philippine Coast Guard have given to the Provincial Government of Bohol,” sabi ni Yap.
“Please stay by our side as we complete this daunting task of recovery for 280,000 critically affected families,” dagdag niya.
Sa Siargao Island, tumulong ang mga tauhan ng PCG District Central Visayas sa pagdadala ng 166 gallons ng purified drinking water na donasyon ng PCGA 201st Squadron mula Cebu.
Ang nasabing mga donasyon ay ikinarga sa isang commercial vessel na dumating sa Siargao Island noong Sabado.
Waylon Gomez