Kahit pa man dalawang buwan nang nakalipas nang magbitaw ng reaksyon ang "Chinita Princess" na si Kim Chiu tungkol sa pusa, mainit pa rin ang tingin ng netizens sa artista matapos mag-trending ulit ang video nito.

Sa umiikot na video ni Chiu online, mapapanuod dito na habang nagho-host ang Kapamilya star sa isang segment ng ABS-CBN noontime variety show na “It’s Showtime,” na inere noong Disyembre 6, 2021, sinabi nitong naiinis ito sa mga pusang maiingay sa gabi.

Sa tanong na "Ano ang mas maingay sa gabi?" isa sa mga pagpipilian ang "pusang may kaharutan sa bubong."

Pagkatapos banggitin ito ng aktres ay agad itong nag-react.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"Nakakainis 'yun 'no? 'Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay," ani Chiu.

Hindi naman sumang-ayon ang mga co-host nito at sinabi na kawawa naman ang mga pusang nasasabuyan ng mainit na tubig.

Agad rin namang humingi ng paumanhin ang aktres noong araw na iyon at ipinalinawag na hindi niya ito ibig ipakahulugan.

Sa tweet ng aktres noong Enero 24, 2022, muli itong humingi ng tawad sa publiko dahil maraming netizen muli ang nagre-react sa video.

"I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is……" ani Chiu.

"Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin. Mas gusto ng karamihan palabasin kang..," dagdag pa niya.

Umaasa naman ang aktres na magiging malinaw na sa publiko ang kanyang paghingi ng tawad at nakiusap na huwag nang palakihin pa ang isyu.

Aniya, "Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.Parang wala sa panahon ngyon ang gagawa ng ganun.Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan."

"I hope I made myself clear. I hope this ends here."