Mahigit P256-million emergency food aid ang ibibigay ng Japanese government sa mga survivor ng bagyong Odette sa Pilipinas sa pamamagitan ng United Nations World Food Program (WFP).

Ito ang inihayag ng Japan Embassy sa bansa matapos makipagpalitan ng note verbal ang mga opisyal ng gobyerno ng Japan sa Rome, Italy sa mga kinatawan ng WFP noong Enero 19.

Sa pamamagitan ng grant, ang WFP bilang implementing partner, ay magbibigay ng agarang tulong sa pagkain at logistic sa mga apektado at bulnerableng populasyon na lubhang naapektuhan ng bagyong tumama sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao noong Disyembre 2021.

Ang food and logistics assistance ay bahagi ng US$ 13 milyon o humigit-kumulang P663-milyong disaster relief assistance na ipinangako ng Japan noong Enero 14.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasa 26,000 kabahayan o humigit-kumulang 130,000 katao ang makikinabang sa grant. Ang mga pamilyang lumikas sa evecuation at pansamantalang tirahan, gayundin ang karamihan sa mga bulnerableng komunidad, ay uunahin para sa inisyatiba, sabi ng embahada ng Hapon.

Makikipagtulungan ang WFP sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagtukoy sa mga pinaka-apektado at bulnerableng mga komunidad.

“Through this assistance, affected communities are expected to have stabilized household food security, which is critical for the restoration of livelihoods and asset building activities in agriculture, fisheries and other sectors,” sabi ng embahada.

Samantala, noong Enero 20, ibinunyag ng Japan Embassy sa Pilipinas na makikipagtulungan ang Japan sa International Organization for Migration (IOM) para magbigay ng P215-million shelter assistance at serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipinong naapektuhan ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Betheena Unite