Nagsagawa ng dalawang protesta ang mga guro-unyonista nitong Miyerkules, Ene. 26, upang muling igiit ang kanilang kahilingan para sa pagkakaloob ng 25 porsiyentong overtime premium at service credits para sa 77 excess work days noong nakaraang school year.

Dumulog ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) – National Capital Region (NCR) Union sa tanggapan ng Civil Service Commission (CSC) sa Quezon City at sa opisina ng Department of Budget and Management (DBM) sa Maynila para himukin ang dalawang tanggapan na kumilos sa usapin ng overtime compensation.

“It’s been three months since we last heard from CSC and DBM regarding our call for overtime compensation. In our last dialogue, you deferred from issuing an opinion and instead asked us and DepEd to submit our position papers,” sabi ni ACT- NCR Union President Vladimer Quetua.

“We delivered ours to both CSC and DBM on November 10, but we’re still yet to receive any feedback,” dagdag ni Quetua.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nagsagawa ang ACT ng ilang kilos protesta kabilang ang “Pambansang Araw ng Paniningil” noong Nobyembre kung saan daan-daang guro ang pumunta sa DepEd para humingi ng overtime compensation.

Samantala, ang mga guro sa ibang rehiyon ay nagdaraos din ng iba't ibang uri ng protesta.

Ikinalungkot ni Quetua na patuloy na natutugunan ng mga guro ang “growing exigency of education delivery” sa gitna ng tila walang katapusang pandemya.

“The health crisis and ensuing worse socio-economic crisis have taken its toll on our and our family’s well-being, as evidenced by the recently implemented health break across many regions in the country,” aniya.

“We’re not asking for much, only for the government to properly compensate us for our work,” dagdag niya.

Sa position paper na isinumite ng ACT, nangatuwiran ang grupo para sa pagbibigay ng 25 porsiyentong overtime premium pati na rin ang mga credit service para sa 77 excess work days, mula Abril 6, 2021 hanggang Hulyo 10, 2021 sa School Year 2020–2021.

Bagama't "tumanggi ang DepEd na kilalanin" ang anumang excess workdays, ipinakita ng ACT ang 10 taong halaga ng memorandum sa kalendaryo ng paaralan at pagkalkula ng Proportional Vacation Pay na nagpapakit na palaging itinuturing ng DepEd ang mga workdays bilang katumbas ng class days.

Sa nakaraang taon ng pag-aaral, sinabi ng ACT na ang mga guro ay inutusan na magbigay ng mga serbisyo noong Hunyo 1, 2020 kahit na ang mga klase ay paulit-ulit na naantala hanggang Oktubre 5, 2020 — na nagresulta sa kabuuang 297 araw ng trabaho para sa mga guro.

Sinabi ng ACT na ang maximum na pinapayagang araw ng klase ayon sa RA 7797 ay hanggang 220 araw lamang.

“We reiterate our demand for CSC and DBM to urgently release a decision in favor of our public school teachers, who compose the largest section of government employees,” ani Quetua.

“We have long been neglected by this government by way of low salaries and poor and delayed benefits, it’s about time you properly remunerate us for our services,” dagdag niya.

Merlina Hernando Malipot