Sa kauna-unahang pagkakataon ay naispatang magkasama sa isang LGBTQIA+ event at litrato sina Paolo Ballesteros ng 'Eat Bulaga' at Vice Ganda ng 'It's Showtime' na matagal nang magkatunggali bilang noontime shows sa kani-kanilang mga TV networks.

Inorganisa mismo ni Vice ang naturang event na tinawag niyang 'UnkabogaBALL 2021' na eksklusibo para sa kaniyang mga kapatid sa kinabibilangang community, lalo na ang mga queer artists.

"Ayun ang mga vukluh! Hehe thanks @praybeytbenjamin @kaladkaren @jigglycalienteofficial" saad sa caption ng Instagram post ni Paolo kasama sina Vice Ganda, KaladKaren, at Jiggly Caliente.

Tumugon naman dito si Vice, "Awra soonest!!!!! Yabyu!"

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Paolo Ballesteros at Vice Ganda (Larawan mula sa IG/Paolo Ballesteros)

Jiggly Caliente, Paolo Ballesteros, Vice Ganda, at KaladKaren Davila (Larawan mula sa IG/Paolo Ballesteros)

Ginanap ang naturang event sa Okada Manila na dinaluhan ng mga sikat na queer artists, kagaya nga ni Paolo Ballesteros.

"Nagsimula ito dahil may nakita akong picture na pinost ni Inah (Evans) na may kasama siyang mga baklang social media stars, mga baklang influencer tapos sabi ko kay Inah, gusto kong ma-meet ’yung mga baklang ’yan. Kaya sabi ko gusto kong magkaroon ng isang acquaintance party for me to be able to meet the new baklets in social media," sey ni Vice sa panayam sa kaniya.

"’Yung mga bagong social media stars, ’yung mga social media stars. Kasi ang dami-dami nang baklang stars ngayon. Nakakatuwa. I want to have that opportunity to meet them."

"Ang dami-dami natin ngayon, dami-dami n'yo ngayon pero hindi tayo magkakakilala lahat and I don’t think it’s a good thing that we all belong to the same community, nakikita natin ’yung mga mukha natin sa mga telepono natin kapag pumupunta tayo ng Tiktok, ’pag nanonood tayo ng YouTube pero personally hindi tayo magkakakilala."

Magandang simulain daw ito upang makabuo ng magandang samahan sa isa't isa.

"I want to build a bridge to create a relationship amongst all of us. At ako katulad ko when I was starting in the industry, there were a lot of beautiful people, there were a lot of very supportive people who were there to guide me along the way pero I am so blessed na napapaligiran ako ng maraming tao na matatalino, mahuhusay, mababait na nag-ga-guide sa akin," aniya.

"Sa dami nating ’to siguro ang saya na gina-guide natin ’yung isa’t isa para kung may natatapilok, may nangangarag. Imbes na bukod sa kino-call out, why not start a community that helps one another? Why not start a community that helps and supports each other?"

Bukod kay Paolo Ballesteros at mismong si Vice Ganda, ang mga dumalo sa naturang event ay mga malalapit na kaibigan ni Meme gaya nina Awra Briguela, Negi, Petite, MC Muah, Lassy Marquez, Chad Kinis, impersonator ni Karen Davila na si Jervi Li o 'KaladKaren Davila', at Anton Diva.

Present din sina Miss Trans Global 2020 Mela Habijan, Argie Roquero, Macoy Dubs, G-Force members Jorge at Michael, Bakla ng Taon (BNT) members na sina Joevin Catubig, Jerico Delena, at George Condesa, Queen Pia Paolo, Jegs Chinel, IC Mendoza, Cedric Rosal, Matty Juniosa, Lucas Garcia, Enzo Almario, Zen Estrebillo, Jomar Yee, Inah Evans, Julia Fresh, Pepay, Iya Minah, O Divas, Lady Gagita, Jake Galvez at Martin De Leon, impersonator ni Kris Aquino na si Tita Krissy Achino, Pipay Kipay, Gaia Polyhymnia, TonTon Soriano, Orli Domingo, Kitty Montecarlo, Divine Tetay, Donita Nose, at drag race royalty Jiggly Caliente.

Imbitado rin si White Castle Calendar Girl 2022 Sassa Gurl.

'Pak na pak' at pabonggahan ang outfit ng mga nagsidalo, na syempre ay hindi papakabog sa 'UnkabogaBALL gown' ng hostess na si Vice Ganda, na mukhang inspired kay Kim Kardashan-West.

Si Awra Briguela ang itinanghal na 'UnkabogaBALL star of the night' at sina Julia Fresh, Jake Galvez at Martin De Leon naman ang mga runners-up.

Awra Briguela at Vice Ganda (Larawan mula sa IG/Awra Briguela)

Samantala, marami naman sa mga netizen ang humiling na sana raw ay magkasama sa isang pelikula sina Vice Ganda at Paolo Ballesteros, kung hindi man sila mapagsasama sa isang TV project, Natuwa rin ang mga netizen dahil pansamantalang naisantabi ang 'network competitions' dahil sa totoong buhay ay magkakaibigan naman ang mga artista, kahit na nagtatrabaho sila sa kani-kanilang mga home network.