Nagwakas na ang iligal na gawain ng isang dalaga nang maaresto ng pulisya matapos umanong makumpiskahan ng tinatayang aabot sa ₱13 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City nitong Enero 25.
Under custody na ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Camp Crame ang suspek na si Janesa Cabardo Canoy, 25, taga-295 Sandico St., Tondo, Maynila.
Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, nagkasala ng anti-drug operation ang mga pulis matapos makumpirma ang impormasyon na nagbebenta ito ng illegal drugs.
Dakong 4:40 ng hapon, isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon sa Langit Road, Crusher St., Phase 9, Packege 7C, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City nitong Martes na ikinaaresto ni Canoy.
Nasamsam kay Canoy ang mahigit sa dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱13,600,000.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng supplier ni Canoy upang masampahan ng kaukulang kaso.Orly Barcala