Pinayagan ng Quezon City government ang walk-in COVID-19 vaccination sa mga mall.

Ayon sa Facebook post ng pamahalaang lungsod, maaaring pumunta ang mga indibidwal sa QC ProtekTODO booths sa loob ng mga malls, kung saan bibigyan sila ng walk-in stub na nagsasaad ng oras ng kanilang pagbabakuna.

Bawat vaccine site sa mga mall ay maglalaan ng 150 doses para sa walk-in.

Ang AstraZeneca jabs ay ibibigay sa mga indibidwal mula 3:00 – 5:00 p.m. sa mga sumusunod na mall:

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

-SM Skydome (Ene. 25-26)

-Ever Commonwealth (Ene. 25-29)

-Robinsons Magnolia (Ene. 25-29)

-Eastwood City (Ene. 25-29)

-Robinsons Novaliches (Ene. 25-29)

-Ayala Trinoma (Ene. 25-26)

-Ayala Cloverleaf (Ene. 25-26)

-SM Novaliches (Ene. 25-29)

-SM North Edsa Drive Thru (Ene. 25-26)

-SM Centerpoint (Ene. 25-26)

-Elements Centris (Ene. 26 lang)

– Ayala Fairview Terraces (Ene. 27-29)

-Ayala UP Town Center (Ene. 27-29)

-Robinsons Galleria (Ene. 27-29)

-Waltermart Edsa (Ene. 27-29)

-SM Fairview (Ene. 27-29)

-SM Fairview Drive-Thru (Ene. 27-29)

-Fishermall (Ene. 27-29)

Uunahin ang mga residenteng nagparehistro online o sa kani-kanilang barangay.

Allysa Nievera