Trans represent!

Opisyal nang pinangalanan ang Filipina-American actress at “When We Rise” star Ivory Aquino bilang cast sa DC feature film na “Batgirl.” Gagampanan ni Ivory ang kauna-unahang transgender character ng live-action DC Comics.

Kilala sa kanyang natatanging pagganap bilang Cecilia Chung sa “When We Rise,” isang LGBTQ rights miniseries noong 2017, aarangkada na ang Transpinay bilang si Alysia Yeoh, ang best friend ng karakter ni Leslie Grace na si Barbara Gordon aka Batgirl.

Bagamat unang lumabas ang kumpirmasyon sa ulat ng Deadline, isang entertainment news portal, ilang espekulasyon na ang lumabas kasunod ng isang Instagram story ni Grace kasama si Aquino nitong naunag mga linggo ng taon.

Trending

'Grabe lakas mo!' Netizen na nakatanggap ng 'Hakot Challenge Award,' hinangaan

Isang malaking milestone ang representasyon ng LGBTQ community sa mundo ng pelikula dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na isasabuhay ng Warner Bros.’ DC Films Division ang isang ladlad na trans character sa pelikula.

Matatandaan noong 2019 sa “Spider-Man: Far From Home” ng Marvel Studios, unang gumanap ang aktor na si Zack Barack, isang transgender man, bilang kaklase ni Peter Parker.

Ang Batgirl ay pangungunahan sa direksyon nina Adil El Arbi at Billa Fallah.

Samantala, naiulat na mapapanood din sa HBO Max ang nasabing feature film.