Binatikos ni Senate President Vicente C. Sotto III nitong Martes, Enero 25 ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa pagpapatupad nito ng panuntunang ''no vaccination, no ride'' na kunwari’y ‘’health policy” ngunit sa katotohanan aniya ay isang puwersahang pagbabakuna.

Ang tirada ni Sotto ay nakapaloob sa kanyang privilege speech na hindi bigong mai-deliver dahil nais niyang talakayin ang iba pang mas mahahalagang panukalang batas dahil limitado ang oras ng Senado para kumilos habang papalapit ang kampanya sa halalan. Ito ay isinumite sa sekretariat ng Senado upang maitala.

Sinabi ng Senate chief na walang batas sa bansa na nag-uutos ng pagbabakuna.

‘’All the vaccines presently available are under emergency use authorization (EUA), hence still under experimentation. Under the International Covenant on Civil and Political Rights, which the Philippines is a signatory to, we have the right to freely consent to medical experimentation,’’aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

‘’Thus, the government should not coerce nor discriminate, rather it should respect the choice of some Filipinos who opted not to get vaccinated for one reason or another,’’ dagdag niya.

Binanggit ni Sotto ang pahayag ng World Health Organization na ‘’we are nowhere near over the pandemic.’’

Sinabi niya na ang mga health and safety protocols ay inilatag na; ipinatupad ang mga lockdown; at ang mga batas ay mabilis ngunit maingat na naisabatas.

“’Yet record breaking COVID-19 cases have been seen recently; vaccination rate remains to be low; and concerns on human rights violations on the implementation of some government policies arose,’’ pagpupunto pa ng senador.

Binanggit ni Sotto ang utos ng DOTr noong Enero, 2022 o ang “Limiting Public Transportation Access to Vaccinated Population in the National Capital Region under Alert Level No. 3 or Higher.”

Sinabi niya na ang kautusang ito ng departamento ay nagdulot ng mga tanong, abala, kalituhan, at, pinakamalala, diskriminasyon laban sa ilang indibidwal.

‘’And sadly, this happened in a situation where uncertainties and fear already exist, and simply going about life as usual is tiring. Mas pinalala nito ang sitwasyong mahirap na nga para sa mga nakararami.”

Sinabi ni Sotto na binalewala ng DOTr ang katotohanan na kahit ang mga nabakunahan ay maaaring carrier din ng virus at hindi itinuturing na immune mula sa COVID-19.

‘’How about those who are COVID-19 survivors and could possibly have higher antibodies than the vaccinated, did the DOTr take this into account? I don’t think so,’’ dagdag niya.

Sinabi ng hepe ng Senado na ang kautusan ng DOTr ay may diskriminasyon sa mga hindi nabakunahan.

Ipinunto niya na ang bigat ng patakaran ay kadalasang nararamdaman ng mga mahihirap na Pilipino at ng mga nagtatrabahong publiko na regular na sumasakay.

‘’It is called “public utility vehicles” or “public transportation” for a reason. It is exactly for the use of the public. But why are we choosing a certain group over the other who can ride these PUVs?,’’ tanong nito.

Binanggit niya ang Seksyon 12 ng Republic Act No. 11525, o mas kilala bilang "COVID-19 Vaccination Program Act," partikular na nakasaad na “the vaccine cards shall not be considered as an additional mandatory requirement for educational, employment and other similar government transaction purposes.”

“But why is the DOTr requiring vaccination card before one person can access public transportation, especially those owned by the government?” tanong ni Sotto.

Mario Casayuran