Labis ang pag-aalala ng isang medtech vlogger nang malaman niyang positibo sa COVID-19 ang kanyang anak.

Sa viral video na in-upload ni MigthyMyke nitong nakaraang Enero 6, makikitang akala lang ng mag-asawa na nagka-dengue ang kanilang anak na si Dylan dahil dalawang araw na itong nilagnat.

Kaya kumuha sila ng blood sample nito upang malaman kung bumaba ang platelet count ni Dylan, pero lumabas sa resulta na normal ang platelet count ni Dylan kaya nagpasya silang ipa-swab test kaagad ito.

Noong araw na iyon, nais sana rin na mag-celebrate ni MightyMike dahil umabot na sa 300,000 followers ang kanyang Facebook page pero lumabas sa swab test result ni Dylan na kumpirmadong positibo ito sa COVID-19, kaya mas ninais na lang niyang alagaan ang kanyang anak at samahan sa 2nd floor ng kanilang bahay.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Aniya, "Actually, may na-reach tayong bagong milestone today at nagulat ako 300,000 followers na pala tayo sa Facebook, gusto ko sanang mag-celebrate pero unfortunately nag positive si Dylan sa COVID."

Dagdag pa niya, lahat sila ay asymptomatic o walang sintomas maliban lang kay Dylan kaya kailangan itong alagaan.

Ang kanya namang misis na buntis ay kasalukuyang naka-isolate rin sa 1st floor ng kanilang bahay at okay naman ang kalagayan nito pati ang baby.

Ayon naman kay MightyMike, nais lamang niya ibahagi ang video upang maging paalala sa lahat na maging maingat lalong-lalo na ang mga hindi pa na bakunahan.

"Ginawa ko 'tong video na 'to para magbigay ng awareness, especially sa mga magulang dyan na may anak, lalo na yung wala pang mga bakuna kasi si Dylan wala pang bakuna eh," ani ng vlogger.

Aminado rin si MightyMyke na may pagkukulang sila ng misis niya dahil naging kampante sila nitong nakaraang Christmas at New Year celebration.

Kaya hinikayat ni MightyMyke na kung maari ay huwag nang pumunta sa mga mall kung wala namang importanteng bibilhin at dapat ay magpabakuna na.

Naniniwala rin siya na ang "suob" ay nakakatulong upang gumaan ang pakiramdam ngunit kapag malala o sobrang sama ng nararamdaman ay magpakonsulta agad sa mga doctor.

"Please lang magpabakuna kayo guys, sobrang laking tulong ng bakuna.Iyong " suob, personally, medtech po ako at nurse si Misis, pero malaking tulong po yung "suob" na yan. At kung malala na po ang nararamdaman niyo, wag po tayong matakot magpa -ospital or magpa-test ng RTPCR, ganun po talaga para di na po tayo makahawa ng iba," paghihikayat ni MightyMyke.

Sa ngayon, okay na ang kalagayan ni Dylan at bumalik na rin sa pagba-vlog si MightyMyke kaya't marami na naman ang napasaya nito.