Naniniwala si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “may lugar” ang pagdedeklara ng batas militar at sinabing hindi niya agad gagawin iyon kung sakaling magkaroon ng people power ang mga Pilipino laban sa kanya sa kanyang halalan.

Ito ang pahayag ni Marcos Jr. nitong Martes, Enero 25 sa panayam sa Presidential Job ng DZRH matapos siyang tanungin kung ano ang kanyang gagawin sakaling mag-rally laban sa kanya ang mga tao, kabilang ang militar, sa kanyang panunumpa para sa pagkapangulo.

Sinabi ng presidential aspirant na makikipagnegosasyon siya sa mga tao at kanyang aalaminn ang kanilang mga suliranin.

“Alangan naman we will start a civil war,” aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ngunit para kay Marcos, na ang ama—isang dating pangulo—ay pinatalsik kasunod ng isang people power, ibang senaryo kung ang kalabang panig ay magsisimulang magpaputok.

“‘Yun ang delikado sa lahat because that would be a civil war,” ani Marcos Jr.

Nang tanungin kung magdedeklara siya ng martial law kung mangyari iyon, hindi sumagot si Marcos ngunit sinabi niyang “that will harden the people’s position.”

Sinabi niya rin na makikipag-ayos na lang siya sa mamamayan, patatatagin ang posisyon ng gobyerno at uunahin ang kaligtasan ng mga tao.

Sinabi rin ni Marcos na ang batas militar ay dapat lamang ideklara sa panahon ng "wars" at ang militar ang dapat magpasya nito.

“The bottomline is that you have to keep the peace and security of the community. May lugar ang martial law, martial law para sa gera, kung may gera,” dagdag niya.

Joseph Pedrajas