Wala nang ibang paraan upang matibag ang political dynasties kundi sa pamamagitan ng halalan, ayon kay Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Sa panayam ni Marcos Jr. sa Totoo Lang segment ng One PH nitong Lunes ng gabi, Enero 24, ipinahiwatig niyang hindi siya kontra sa isang political dynasty dahil kung ikaw ay laban dito “then take everybody to an election, fight against it."

“We have a very good anti-dynasty rule, it’s called an election," ani Marcos Jr.

“Ilang nakita nating malalaking pamilya na ilang taon nang nakaupo hanggang 3rd generation na nakaupo bilang mayor, na biglang natanggal, dahil ayaw na ng tao eh," dagdag pa niya.“Ang politika naman is about performance.”

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Dominant political families are not necessarily bad, so why will you make them illegal?" paglalahad ng dating senador.

“You’re targeting a very very specific group in society and your law is only targeting them. What about other people?" dagdag pa niya.

Joseph Pedrajas